Ang Kontra-Repormasyon o Kontra-Reporma ay isang kilusan sa loob ng Simbahang Katoliko Romano na ang pangunahing layunin ay ang baguhin, pabutihin, o muling hubugin at painamin ang Simbahang Katoliko Romano. Nagsimula ito noong dekada ng 1500. Ang unang kapanahunan nito ay ang tinatawag na Repormang Katoliko o Repormasyong Katoliko. Nagkaroon ito ng maraming mga katampukan. Sinakop nito ang sumusunod na limang mga pook o mga paksa:
- Doktrina
- Rekumpigurasyong Eklesiyastikal o Pangkayarian (Istruktural)
- Mga Ordeng Relihiyoso
- Mga Kilisuang Espiritwal
- Mga Dimensiyang Pampolitika
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento