Sabado, Disyembre 9, 2017

Manoryalismo

                               Ang manoryalismo  ay sistemang agrikultual na nakasentro sa  mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Ang manor ay isang lupaing sakop ng isang panginoonng may lupa na binubuo ng kanyang  kastilyo, simbahan, at pamayanan na may 15 hanggang 30 pamilya. Ang buong populasyon sa manor ay sama-samang nagtratrabaho sa bukid. Pinairal ang tinawag na three-field system. Sa sistemang ito, ang bukirin ay hinati sa tatlong bahagi: taniman sa tagsibol, taniman sa taglagas, at ang lupang tiwangwang.  Ang taniman ay pinaiikot sa bawat taon upang mapanatili ang fertility ng lupa. Mahirap ang buhay ng mga naninirahan sa manor. Wala silang ugnayan sa ibang pamayanan dahil limitado lamang ang nagaganap na kalakalan. Tanging asin, bakal, gilingang bato at ilang produkto ang binibili sa labas ng manor. Ang karamihan sa mga produkto ay ginagawa ng mga nakatira sa manor tulad ng panday, manghahabi, at mga karpintero.

Resulta ng larawan para sa manoryalismo                            

                               Para sa akin, ang manoryalismo, senyoralismo, o senyoryo ay isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang kapalit ng proteksiyon.



2 komento:

  1. Ang tawag sa dinastiyang itinatag ni clovis

    TumugonBurahin
  2. Isang sistema sa bukirin na kung saan hinati sa tatlong bahagi taniman sa tagsibol taniman sa taglagas at ang lupang tiwangwang

    TumugonBurahin