Ang Piyudalismo(feudalism) ay isang sistemang political at militar sa kanlurang Europe noong Gitnang Panahon. Sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan, nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksyon ang lipunan. Nangangailangan ng proteksyon ang mga tao, kaya’t ang sistemang piyudalismo ang nakitang tugon sa mga natukoy na pangangailangan. Ang Piyudalismo ay isang ugnayan ng mga aristokrata (aristocrat) o ng panginoon (lord) at kanyang basalyo (vassal). May dalawang dahilan ang pinagugatan ng piyudalismo. Isa rito ang ugnayang namagitan sa pangkat ng mandirigmang Aleman sa kalakhang Europe noong Gitnang Panahon. Ang mga pangkat na ito ay binuo ng isang lider at mandirigmang subok na magaling at matapang. Ang ganitong ugnayan ng panginoon ay nabago nang sumapit ang 700 CE. Ang mga panginoon ay kailangan ng mga hari upang labanan ang mga mananalakay. Sa kanila ngayon ibinigay ng mga hari ang kanilang mga fief. Ang fief ay lupa na ipinagkaloob ng mga hari. Ang mga tumanggap ng fief ay tinatawag na basalyo. Ang pagiging basalyo at paghawak ng fief ay pinag-isa at ito ngayon ang tinawag na piyudalismo.
Para sa akin, ang piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari.[1] Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon. Ang basalyo ang nagmamay-ari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko.[1] Nagkakaroon ng omahe o pagbibigay-dangal – ang pagkilala ng isang basalyo o tenanteng dapat siyang maging matapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng isang seremonya – bilang pag-iisa ng panginoon at ng basalyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento