Ang salitang bourgeoise ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa Europe noong Panahong Medyibal. Ang salita ay unang inukol sa mga nakatira sa mga bayan ng France noong Panahong Medyibal. Sila ang umokupa sa posisyon sa pagitan ng magsasaka at sa maharlikang may-ari ng lupa. Sa pag-unlad ng mga lungsod noong Panahong Medyibal bilang mga sentro ng kalakalan at komersiyo, ang mga bourgeoisie ay naging mahalagang pangkat sosyo-ekonomiko. Kadalasan, nagpapangkat-pangkat sila upang bumuo ng korporasyon at guilds upang mapangalagaan ang kanilang interes.
Ang burgesya ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya. Dumami ang ganitong mga uri ng tao noong Panahon ng Eksplorasyon. Kasingkahulugan ang burgesya ng pariralang mga kapitalista (tingnan ang kapitalismo), mga nangangapital, mga namumuhunan (tingnan ang kapital o puhunan) at mangangalakal. Ayon sa teoriya ni Karl Marx, ang mga burgesang katunggali ng mga proletaryo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento