Nagkaroon ng kaunlaran sa ekonomiya. Naging inspirado ang mga eksplorer na maggalugad ng mga lupain. Nagsilbi ring inspirasyon ang panahong ito sa mga mangangalakal. Nakilala ang mga tao na may kakayahan sa iba't ibang larangan ng sining, siyensya, at pamamahala. Ang diwa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang intelekwal na nagsilbing tuntungan sa pagpasok ng sumunod na panahon. Sumigla ang mga tao at ginamit ang kanilang kakayahan na tumuklas ng mga bagay-bagay na nagbunga ng mga kapakipakinabang na kaisipan.
Ang Renasimiyento ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Panahon at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Panahong Medyebal at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahong.
Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay ang sariling-likha nitong bersiyon ng humanismo, mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na "Ang tao ang sukatán ng lahat ng bagay. (Ingles: "Man is the measure of all things.)". Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento