Huwebes, Disyembre 14, 2017

Repormasyon

                                         Sa Panahonng Renaissance, napsok ang Simbahang Katoliko sa isang magulong sitwasyon. Ang mga Kristiyano mula sa iba,t ibang antas ng tao sa lipunana ay naging mulat sa nagaganap na katiwalian at makamundong gawain sa Simbahan. Noong 1500, ang panawagan sa reporma ay nawasak sa pagkakaisa ng mg Kristiyano sa Europe, tinatawag itong repormasyon.

Resulta ng larawan para sa repormasyon meaning taa                                           Ang Kontra-Repormasyon o Kontra-Reporma ay isang kilusan sa loob ng Simbahang Katoliko Romano na ang pangunahing layunin ay ang baguhin, pabutihin, o muling hubugin at painamin ang Simbahang Katoliko Romano. Nagsimula ito noong dekada ng 1500. Ang unang kapanahunan nito ay ang tinatawag na Repormang Katoliko o Repormasyong Katoliko. Nagkaroon ito ng maraming mga katampukan. Sinakop nito ang sumusunod na limang mga pook o mga paksa:
  1. Doktrina
  2. Rekumpigurasyong Eklesiyastikal o Pangkayarian (Istruktural)
  3. Mga Ordeng Relihiyoso
  4. Mga Kilisuang Espiritwal
  5. Mga Dimensiyang Pampolitika

Renaissance

                                        Ang Renaissance ay isang panhaon kung saan ang interes sa kalikasan ng mga mamamayan ay muling nabuhay. Binigyang-daan  nito ang pagbabago sa iba't ibang larangan.
Nagkaroon ng kaunlaran sa ekonomiya. Naging inspirado ang mga eksplorer na maggalugad ng mga lupain. Nagsilbi ring inspirasyon ang panahong ito sa mga mangangalakal. Nakilala ang mga tao na may kakayahan sa iba't ibang larangan ng sining, siyensya, at pamamahala. Ang diwa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang intelekwal na nagsilbing tuntungan sa pagpasok ng sumunod na panahon. Sumigla ang mga tao at ginamit ang kanilang kakayahan na tumuklas ng mga bagay-bagay  na nagbunga ng mga kapakipakinabang na kaisipan.

 

                                         
Resulta ng larawan para sa renaissance meaning tagalog                                           Ang Renasimiyento ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Panahon at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Panahong Medyebal at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahong.
Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay ang sariling-likha nitong bersiyon ng humanismo, mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na "Ang tao ang sukatán ng lahat ng bagay. (Ingles: "Man is the measure of all things.)". Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.

Merkantalismo

                                         Sumibol ang Rebolusyong Komersyal sa pagitan ng ika-14 hanggang ika-17 siglo. Sa Rebolusyong Komersyal naipakilala ang  mga bagong paraaan ng pakikipaglaaban. Ito ay ang mga sistema sa pagbabangko, saping-puhunan(joiny stock), pagtaas ng presyo, at ang pagsulpot ng kapitalismo o pamumuhunan na nagbigay-daan sa merkantalismo. Ang merkantalismo ay isang patakarang pang-ekonomiya na umiral sa Europe  noong ika-16,17, at 18 na siglo na kung saan kontrolado ng gobyerno ang industriya at kalakalan. Ayon sa teorya, ang kapangyarihan ng isang bansa ay lumalakaskapag mas malaki ang pag-angkat(import) kaysa sa pagluluwas(export).

Resulta ng larawan para sa merkantilismo meaning tagalog                                            Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak.
Ang Merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na naniniwalang ang bansa ay mapayayaman sa pamamagitan ng pagpigil sa pang-angkat at pagsuporta sa pag-export. Sumikat ito noong 16th century sa Western Europe. Ang layunin ng Merkantilismo ay magkaroon ng balance sa pangangalakal na magdadala ng ginto.

Bourgeoisie

                          Ang salitang bourgeoise  ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa Europe noong Panahong Medyibal. Ang salita ay unang inukol sa mga nakatira sa mga bayan ng France noong Panahong Medyibal. Sila ang umokupa sa posisyon sa pagitan  ng magsasaka at sa maharlikang may-ari ng lupa. Sa pag-unlad ng mga lungsod noong Panahong Medyibal bilang mga sentro ng kalakalan at komersiyo, ang mga bourgeoisie ay naging mahalagang pangkat sosyo-ekonomiko. Kadalasan, nagpapangkat-pangkat sila upang bumuo ng korporasyon  at guilds upang mapangalagaan ang kanilang interes.


Resulta ng larawan para sa bourgeoisie meaning tagalog                         Ang burgesya  ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya. Dumami ang ganitong mga uri ng tao noong Panahon ng Eksplorasyon. Kasingkahulugan ang burgesya ng pariralang mga kapitalista (tingnan ang kapitalismo), mga nangangapitalmga namumuhunan (tingnan ang kapital o puhunan) at mangangalakal. Ayon sa teoriya ni Karl Marx, ang mga burgesang katunggali ng mga proletaryo.                     

Sabado, Disyembre 9, 2017

Manoryalismo

                               Ang manoryalismo  ay sistemang agrikultual na nakasentro sa  mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Ang manor ay isang lupaing sakop ng isang panginoonng may lupa na binubuo ng kanyang  kastilyo, simbahan, at pamayanan na may 15 hanggang 30 pamilya. Ang buong populasyon sa manor ay sama-samang nagtratrabaho sa bukid. Pinairal ang tinawag na three-field system. Sa sistemang ito, ang bukirin ay hinati sa tatlong bahagi: taniman sa tagsibol, taniman sa taglagas, at ang lupang tiwangwang.  Ang taniman ay pinaiikot sa bawat taon upang mapanatili ang fertility ng lupa. Mahirap ang buhay ng mga naninirahan sa manor. Wala silang ugnayan sa ibang pamayanan dahil limitado lamang ang nagaganap na kalakalan. Tanging asin, bakal, gilingang bato at ilang produkto ang binibili sa labas ng manor. Ang karamihan sa mga produkto ay ginagawa ng mga nakatira sa manor tulad ng panday, manghahabi, at mga karpintero.

Resulta ng larawan para sa manoryalismo                            

                               Para sa akin, ang manoryalismo, senyoralismo, o senyoryo ay isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang kapalit ng proteksiyon.



Piyudalismo


                                    Ang Piyudalismo(feudalism) ay isang sistemang political at militar sa kanlurang Europe noong Gitnang Panahon. Sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan, nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksyon ang lipunan. Nangangailangan ng proteksyon ang mga tao, kaya’t ang sistemang piyudalismo ang nakitang tugon  sa mga natukoy na pangangailangan.   Ang Piyudalismo ay isang ugnayan ng mga aristokrata (aristocrat) o ng panginoon (lord) at kanyang basalyo (vassal). May dalawang dahilan ang pinagugatan ng piyudalismo. Isa rito ang ugnayang namagitan sa pangkat ng mandirigmang  Aleman sa kalakhang Europe noong Gitnang Panahon. Ang mga pangkat na ito ay binuo ng isang lider at mandirigmang subok na magaling at matapang. Ang ganitong ugnayan ng panginoon ay nabago nang sumapit ang 700 CE. Ang mga panginoon ay kailangan ng mga hari upang labanan ang mga mananalakay. Sa kanila ngayon ibinigay ng mga hari ang kanilang mga fief. Ang fief  ay lupa na  ipinagkaloob ng mga hari. Ang mga tumanggap ng fief ay tinatawag na basalyo. Ang pagiging basalyo at paghawak ng fief ay pinag-isa at ito ngayon ang tinawag na piyudalismo.


Resulta ng larawan para sa piyudalismo                                             Para sa akin,  ang piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari.[1] Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon. Ang basalyo ang nagmamay-ari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko.[1] Nagkakaroon ng omahe o pagbibigay-dangal  – ang pagkilala ng isang basalyo o tenanteng dapat siyang maging matapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng isang seremonya  – bilang pag-iisa ng panginoon at ng basalyo.